MANILA, Philippines – Nagawang saksakin ng isang 23-anyos na lalaki ang sariling ama matapos na mapikon ito sa pagtawag ng batugan dagdag pa rito ang panenermon sa kanya na naganap kamakalawa sa Quezon City.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa tama ng saksak sa tagiliran ay kinilalang si Alfredo Reyes III.
Pinaghahanap naman ang anak nitong si Alfredo Reyes Jr., na tumakas matapos ang krimen.
Base sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-7:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima sa no. 9978 Kasunduan St., ay dumating ang ang suspek at nagpaalam na kakain.
Dahil nakainom ang biktima ay nagalit ito sa suspek at sinabihang batugan na ikinagalit ng huli at nagbunot ng patalim saka itinutok sa kanyang tatay at umalis ng bahay.
Ilang minuto ay bumalik ang suspek, subalit sinalubong siya ng palo ng kahoy ng kanyang tatay ng dalawang beses sa ulo.
Sa galit ay gumanti ito ng saksak sa ama sa sa kaliwang tagiliran at pagkatapos ay tumakas.