Mag-utol dedbol sa sunog

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala dahil sa sobrang pagkasunog ang dalawang paslit na magkapatid nang  makulong sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Brgy. Kalawaan, Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Arlene Alvarez de la Cruz, 5 anyos at ang bunsong si Richie Anne Alvarez de la Cruz, 4, kung saan  halos natusta ang katawan ng mga ito.

Sa ulat ng Pasig City Fire Marshal, naitala ang sunog dakong alas- 8:40 ng umaga sa Brgy. Kalawaan ng lungsod at naiwan ang mga biktima sa loob ng nasabing bahay.

Nabigo naman ang mga kapitbahay ng mga biktima na isalba ang buhay ng mga biktima dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan. Inaalam naman ng mga arson investigators ang pinagmulan ng sunog.

Show comments