Anak ng ASG sub-leader utas sa air strike

MANILA, Philippines - Isang anak ng isang sub-leader ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi sa isinagawang airstrike ng pamahalaan sa kabundukan ng Brgy. Buhanginan, Patikul,Sulu noong Nobyembre 1.

Ito ang kinumpirma kahapon ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Captain Rowena Muyuela base sa isinagawang imbestigasyon at beripikasyon sa insidente.

Ang napatay sa nasabing airstrike ay ang ASG Lucky 9 member na nakilalang si Uran Jawhari na anak ni ASG sub-leader Jamiri Jaong Jawhari na nagkukuta sa lugar na binagsakan ng bomba ng MG520 bomber plane ng Philippine Air Force (PAF).

 

Show comments