MANILA, Philippines – Maglalabas ng bagong ID ang Philippine Postal Corporation na mas ginagamit ng may 4 milyong Filipino.
Ayon kay Postmaster General Josefina dela Cruz, papalitan na ang lumang ID na gawa lamang sa papel at ipina-laminate.
Ang bagong ID ay tulad na rin ng drivers license, SSS ID, may holographic security image, digitally captured signature at picture na tinatanggap sa pagpapatupad ng 9/11 security standards.
Anya, ang postal ID pa rin ang siyang pangunahin, madali at murang ID na makukuha ng Filipino na magagamit nila sa kanilang transaksiyon.
Sisimulan ngayon, buwan ang pag-iisyu ng ID sa ilang mga post offices sa Metro Manila habang sa Enero naman sa buong bansa.