MANILA, Philippines – Makikipagtutulungan ang Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) sa Philippine National Police (PNP) sa pagsusulong ng caravan na tutulong sa mga gun owners sa pagre-renew ng lisensiya ng baril sa 2014 Defense Sporting & Arms (DSAS) na gaganapin sa SM Megamall sa Mandaluyong City sa Nobyembre 13 hanggang 16.
Ayon kay AFAD President Jethro T. Dionisio, tumutulong ang kanilang organisasyon sa PNP Firearms and Explosives Division (FED) sa pagsasagawa ng caravan sa iba’t ibang lugar sa bansa upang mabawasan ang dami ng mga expired gun license.
Naniniwala ang mga opisyal ng AFAD na magandang okasyon ang gun show upang makapagsumite ang mga gun owner ng License to Own and Possess Firearms (LTOAPF) application dahil dinudumog ito ng mga gun enthusiast kada taon.
Sa apat na araw na gun show ay ipapakita ang mga modernong armas, bala at shooting paraphernalias.