Van swak sa bangin: 2 utas, 3 sugatan

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang dalawa ang nasugatan matapos ang kanilang sinasak­yang van ay nahulog sa bangin kamakalawa ng hapon sa bayan ng President Roxas, North Cotabato.

Ang mga biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang sina Hilario de Juan, 33; at Jonas Trececo, 21.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Michael Abear, 40; Porferio Napalit, 48 at Conrado Trecero, 18; kapwa taga Davao City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon patungo ang van na pag-aari ng Merryland Confectionary at ga­ling Kidapawan City at binabagtas ang matarik na highway patungo sa bayan ng Antipas nang nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver bunsod upang tuluy-tuloy na bumulusok sa malalim na bangin ang behikulo na ikinasawi ng dalawang biktima at pagkasugat ng tatlo pa.

Show comments