Bus bumangga sa puno: 45 sugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang may 45 katao nang sumalpok sa punong kahoy sa tabi ng highway ang kanilang  sinasakyang  pampasaherong mini bus kahapon ng umaga  sa Bauang, La Union.

Sa ulat, bandang alas- 9:35 ng umaga nang maaksidente ang MBE bus (AYB) habang bumabagtas sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Paringao ng bayang ito. Ang mini bus ay galing Baguio City at patungong San Fernando City, La Union nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Show comments