Drilon kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

MANILA, Philippines – Patung-patong na kaso sa Ombudsman ang isinampa laban kay  Senate President Franklin Drilon kaugnay ng maanomalya umanong pagpapatayo sa Iloilo Convention Center.

Ayon kay Manuel Mejorada, dating provincial administrator ng Iloilo, overpriced ang pagpapatayo ng mambabatas at ng iba pang opisyal sa naturang proyekto.

Kinasuhan nito si Drilon ng plunder, malversation of public funds, dishonesty at grave misconduct.

Dawit din sa mga kaso sina Public Works and Highways Sec. Rogelio Singson at Tourism Sec. Ramon Jimenez.

Batay sa kopya ng reklamo, may pitong iba pang kinasuhan si Mejorada kabilang ang Hillmarcs Construction Cor na matatandaang nagsilbi ring contractor ng overpriced umanong Makati City Hall Building II.

Ayon kay Mejorada, sobra ng P488 mil­yon ang ginastos sa Iloilo Convention Center na dapat ay P192 milyon lamang. Kumpleto anya siya ng mga ebidensyang magpapatunay dito.
Naniniwala rin ang complainant na galing sa sariling bersyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Drilon ang pondo.
Nabatid na sinimulan ang konstruksyon ng convention center noong Disyembre 2013 at nakatakdang matapos sa Marso 2015.

Show comments