5 drug pusher dakip sa Pasig

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang 5 drug pusher sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina  Comini Paudac, Noriasa Paudac, Jabbar Pontino, Jasmine Pontino at Kenneth Paul Davis, pawang nasa hustong gulang na residente ng  Asilo Ville, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00  ng gabi nang isagawa ang buy bust nang magkunwaring poseur buyer ang isang pulis na
bibili ng droga.

Nang iaabot na ang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ay dun na ito inaresto ng mga otoridad.

Nabawi ng pulisya mula sa mga suspek ang 14 na transparent plastic sachets na hinihinalang shabu.-Mer Layson-

 

Show comments