B-day girl nahulog sa manhole

MANILA, Philippines - Napalitan ng kalungkutan ang isa sanang masayang pagdiriwang ng ika-3 taong kaa­rawan ng isang batang babae matapos na ito ay masawi nang mahulog sa isang manhole kamakalawa ng gabi sa Dagupan City, Pangasinan.

Ang nasawi ay kinilalang si Jessica Rama, ng Brgy. Bonuan, Dagupan City.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon ay nalingat ang lola ng hindi napansin na lumabas ng bahay ang biktima at naglaro sa labas ng bahay.

Habang naglalaro ay aksidente itong nahulog sa open canal sa lugar na naging mitsa ng kamatayan nito.

Nabatid na abala ang pamilya ng bata sa pagluluto ng ihahandang pagkain para sa masayang salu-salo sana sa kaniyang kaa­rawan nang mangyari ang trahedya.

Agad na ini-report ng mga residente sa mga otoridad ang insidente kaya’t  tinakpan na ang nakabukas na manhole upang maiwasang maulit pa ang nangyaring sakuna.- Joy Cantos-

 

Show comments