MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 19-anyos na anak na lalaki ng isang barangay chairman habang siya at isa pa niyang anak na lalaki ay nasugatan matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan ang kanilang bahay sa Brgy. San Lorenzo, Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Aldrin Dumaguit, habang nasugatan naman si Brgy. Chairman Alejandro Dumaguit at anak nitong si Elyjean.
Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang sumulpot sa tapat ng bahay ng pamilya Dumaguit ang pitong kalalakihan at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang bahay na ikinasawi noon din ni Aldrin.
Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifles.- Joy Cantos-