Kenyan national tepok sa salpok

MANILA, Philippines – Isang 30-anyos na Kenyan national ang idineklarang dead on arrival matapos na masalpok ng isang SUV habang nagbibisekleta kahapon ng umaga sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Sabang 2, Ternate, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si John Njoroge Muya 30.

Nadakip ang suspek na si Carl Hector Rustia, 35 binata, residente ng 292 Palmera Avenue Palmera 1, Subdivision, Brgy. Taytay 1, Rizal.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ay nagbabibisekleta ang biktima kasama ang iba pang kaibigan nito nang salpukin ng Hyundai Accent (PKI-709) minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon ang biktima at una ang ulo na  bumagsak sa kalsada.

Kinasuhan ang suspek ng reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Show comments