Lola, 3 pa tupok sa sunog

MANILA, Philippines – Natupok ang apat na miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang 96-anyos na lola nang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Rosalinda Capalu­ngan, 96-anyos, anak nitong si Inocencio anak na sina John, 10 at T-Jay, 5.

Halos hindi na ma­kilala sa tindi ng tina­mong sunog nang ma­tagpuan ang bangkay ng mga biktima.

Magkakayakap pa nang marekober ng mga otoridad ang mag-aama malapit sa pinto ng bahay na pinaniniwalaang tinangkang lumabas.

Batay sa ulat, bago naganap ang sunog sa bahay ng pamilya Capalungan dakong alas-12:00 ng hatinggabi ay nasa kasarapan ng tulog ang mga biktima nang magkasunog sa kuwarto ng matandang babae  matapos na matumba ang kandilang gamit nito sa pagdarasal.

Dahil sa gawa sa light materials ang kabahayan ay mabilis itong nilamon ng apoy.

Halos mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang apoy ng mga bumbero. 

Show comments