MANILA, Philippines – Muling iginiit ng prosekusyon sa Sandiganbayan na ilipat sa regular na selda si Senador Bong Revilla na nahaharap sa kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.
Ayon sa apela ng prosekusyon na baliktarin nito ang naunang desisyon na pumapayag na manatili si Revilla sa PNP Custodial Center sa Campo Crame.
Ayon sa prosekusyon na ang mga kapwa akusado ni Revilla na sina Janet Napoles at Atty. Gigi Reyes ay isa ring mga high risk detainees ay nakakulong sa regular na selda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, subalit ang mga ito ay nabibigyan ng sapat na seguridad ng BJMP.