P1.2-M shabu sa box ng cereal

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano’y bigtime drug dealer ang naaresto ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pasay City Police sa isang buy bust operation at nakuha rito ang mga shabu na inilagay sa kahon ng breakfast cereal kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang suspek ay kinilalang si Jervy Lagasca, nasa hustong gulang at nakumpiska rito ang nasa 700 gramo ng shabu na aabot sa P1.2 milyon.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nang isa­gawa ang buy bust operation sa loob ng isang seafood restaurant sa Diokno Drive, Seaside Blvd., ng naturang lungsod.

Hindi na nakapalag si Lagasca nang damputin ng mga operatiba makaraang tumanggap ng marked money buhat sa isang asset na nagpanggap na buyer.

Nakuha ang bulto-bultong iligal na droga na itinago ng suspek sa kahon ng breakfast cereal.

Show comments