Lalaki binaril sa ulo habang nagpipintura

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Boni­facio Memorial Medical Center ang isang pintor matapos na ito ay barilin sa tuktok ng ulo habang nagpipintura sa gilid ng isang gusali sa Port Area, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Roberto Meneses, 49, may-asawa, residente  ng 12th St., Port Area.Habang hindi pa kilala ang suspek.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay nagpipintura ng airconditioning unit ang biktima sa 166 Metro Buil­ding, 13th St., Port Area nang ito ay barilin.

Nabatid na ang biktima ay tauhan ng isang negosyanteng Muslim na bumibili ng used aircon at nire-repair, pinipinturahan upang ibenta.

Ayon sa misis ng biktima na si Marlene, walang kaaway ang kaniyang mister at hinala na posibleng may kaugnayan sa paggamit ng iligal na droga ng kaniyang mister ang motibo.

Show comments