Preso nag-suicide sa selda

MANILA, Philippines - Bunsod ng sobrang depresyon, winakasan ng isang 48-anyos na bilanggo ang kaniyang buhay nang mag-suicide sa loob ng kaniyang selda sa Ca­uayan, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jolito Obado, residente ng Brgy. Tuyom, Cauayan  at idineklarang dead on arrival sa Cauayan District Hospital.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon ng madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima sa loob ng comfort room ng kanilang selda kung saan gumamit ito ng t-shirt na itinali sa bakal ng bintana ng kanilang comfort room.

Pinaniniwalaan namang matinding depresyon ang nagtulak sa biktima upang kitilin ang kaniyang buhay.

Isasailalim naman sa awtopsya ang bangkay ng biktima upang alamin kung walang naganap na foul play sa kasong ito.

Show comments