Hiniwalayan ng nobya, nagpakamatay

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang 18-anyos na binata ang pakikipaghiwalay sa kanya ng nobya at sa umano’y depresyon ay nagbigti ito kamakalawa ng gabi sa Valenzuela  City.

Ang biktima na idinek­larang dead on arrival sa Valenzuela General Hospital ay kinilalang si John Vermon Taroma, ng Atimoya St., Caloocan City.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi nang makitang naka­bigti ng lubid ang biktima sa loob ng inuupahan na kuwarto ng kapatid sa Fernando St., Barangay Marulas.

Mabilis na kinalag ng mga kaanak ang pagkaka­bigti at dinala sa naturang pagamutan, subalit hindi nakarating ng buhay.

Ayon sa mga kaanak ay nakita nilang  malungkot ang biktima matapos na hiwalayan ng nobyang si Tricia. - Lordeth Bonilla -

 

Show comments