MANILA, Philippines - Binaril ng dalawang di kilalang kalalakihan ang isang 54-anyos na lalaki at ang kasama nitong babae loob ng pampasaherong jeep kamakalawa sa Mendez, Cavite.
Ang biktimang si Albert Ching, 54, ay dead-on-arrival sa Ospital ng Tagaytay at namatay habang nilalapatan ng lunas si Jasmin Paunil, 25.
Ayon sa ulat dakong alas-9:50 ng umaga ay sakay ang dalawang biktima at dalawang suspek sa pampasaherong jeep (DXG-790) na minamaneho ni Roderick Alcala at pagsapit sa JP. Rizal St., Brgy. Galicia 3, ay bigla na lang silang binaril sa ulo ng mga suspek.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na bumaba ang mga suspek sa jeep at tinutukan ang kasunod na motorsiklo (DA 35262) at pinababa ang driver nitong si Mark Esguerra at saka magkaangkas na sumakay upang tumakas patungong direksiyon ng Indang, Cavite.
Inaalam pa ang motibo ng pamamaril ng pulisya.