MANILA, Philippines - Para masiguro ang kaligtasan sa pagdalaw sa bansa ni Pope Francis sa susunod na taon ay nasa dalawang batalyon na sundalo ang ipapakalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inatasan ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang ang 7th at 8th Philippine Contingent sa Golan Heights para magbuo ng security team para sa Santo Papa.
Sa kasalukuyan, sinuspinde ng Pilipinas ang pagpapadala ng peacekeeping operations sa Golan Heights, Syria.
Ang mga nakabalik na peacekeepers kamakailan mula sa Golan Heights, gayundin ang unit na nakatakdang pumalit sa kanila ay nasa standby status.
Ang nasabing mga unit ay ilalagay sa ilalim ng operational control ng PNP na siyang mangangasiwa sa pangkalahatang security para sa apat na araw na pagbisita ng Papa sa bansa.