2 lalaki utas sa Cavite ambush

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang dalawang lalaki nang sila ay pagbabarilin habang sakay ng owner type jeep ng riding in tandem suspects kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Barangay Buna Cerca, Indang, Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Joselito Libre, 52, at Jessie Lopez, 41, kapwa nakatira sa Barangay Nuna Lejos ng nabanggit na bayan. 

Hindi pa kilala ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi ay sakay ang mga biktima ng owner type jeep (CBB-783) at binabaybay ang San Gregorio St., nang sila ay harangin ng mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagpatay sa dalawang­ biktima nang marekober sa owner type jeep ang  dalawang selyadong plastic sachet ng shabu.- Cristina Timbang-

 

Show comments