MANILA, Philippines - Nagbigay ng ultimatum si Manila Police District (MPD) Director, Chief Supt. Rolando Asuncion laban sa hepe ng MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Unit na si P/Sr. Insp. Rommel Geneblazo at mga tauhan na sina sina SPO1s Michael Dingding; Gerry Rivera; Jay-An Pertubos; Jonathan Moreno, PO2s Renato Ochinang; Marvin dela Cruz at isang hindi pa kilalang police officer.
Ang mga suspek ay kinasuhan ng robbery extortion at paglabag sa Republic Act 3019 o anti Graf and Corrupt Practices Act sa Manila Prosecutors Office.
Ang mga suspek ay inireklamo ng biktimang si Kamram Khan Dawood, 39, Pakistani national na kanilang inaresto at kinotongan noong Setyembre 19.