Ama ginising ang anak para maglaba, sinaksak

MANILA, Philippines - Tila naalimpungatan sa mahimbing na pagtulog ang isang 18-anyos na binata nang saksakin nito ng dalawang beses ang ama na nanggigising sa kanya para maglaba naganap sa Pasig City.

Nasa kritikal na kondis­yon sa Rizal Medical Center (RMC) ang biktima na nakilalang si Arturo Sosa, 59, ng Block 2, Lot 23, Benedict St., Barangay Kalawaan, Pasig City.

Ang suspek na  nakakulong na sa Pasig City Lock-up Jail ay kinilalang si Paolo Sosa, 18, motorcycle designer.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay mahimbing na natutulog ang suspek nang gisingin ng kanyang ama para utusan na maglaba ng kanilang damit.

Naalimpungatan ang suspek sa biglaang pagi­sing sa kanya at sa inis ay sinaksak niya ang ama.

Show comments