Nagnakaw ng kable, dedo sa tusok ng bakal

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano ay nagnakaw ng kable sa isang farm ng manukan ang natagpuang patay matapos na matusok ng nakausling bakal ng isang pader sa Malabon City kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Bienvenido Marcelo, 46, ng Yanga St., Brgy. Maysilo, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, na nagnakaw umano ng kable si Marcelo sa loob ng naturang farm at itatawid na ito sa bakod nang madulas at natusok ng nakausling bakal ang dibdib.

Ayon sa mga tauhan ng Betlehem Farm na matatagpuan sa Mabolo St., na natagpuan nila ang biktima na may malaking sugat sa dibdib habang nasa tabi nito ang kable ng kuryente na kanyang ninakaw.

 

Show comments