Rider utas sa 10-wheeler truck

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 42-anyos na motorcycle rider habang sugatan naman ang backrider nang salpukin sila sa isang ten-wheeler truck kamakalawa ng hapon Sta. Ana, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Alvin Masangkaway, ng Int. 90, Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila. Habang nasugatan si Jhon Erwin dela Cruzay, 23, ng Pasig Line.,  Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang kanyang na Honda XI-5090  sa nasabing lugar nang mawalan ng kontrol ang kasalubong na 10-wheeler truck (PTR- 402) sa panulukan ng New Panaderos at San Roque Blumentritt Sts., na minamaneho ng suspek na si Afredo Canedo, 52.

Sa lakas nang pagkasalpok ay tumilapon ang mga biktima at nasapol ang ulo ng nasawing si Masang­kaway.

 

Show comments