2 Timbog sa P.6-M shabu

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng local na pulisya ang isang babae at isang lalaki sa isang buy bust operation  sa Brgy. Dayangdang, Naga City, Camarines Sur noong Biyernes.

Ang mga suspek ay kinilala ni  Dir. lll Archie A. Grande, CESE Regional Director, na sina Salve Ferrer, 33, residente ng Mayon Ave­nue, Tinaga, Naga City at Abraham Anier, 36, ng Ojeda St, Dayangdang, Naga City.

Batay sa ulat, bago naaresto ang mga suspek dakong alas-6:30 ng gabi ay nagpanggap na poseur buyer ang ilang PDEA agent at bumili ng isang sachet ng shabu.

Pagkabigay ng items ay dito na inaresto ang mga suspek at nakuha sa pag-iingat ng dalawa ang mahigit 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P600,000.00

Batay sa PDEA, kilalang bigtime lady drug pusher si Ferrer sa lalawigan.

Show comments