4 naholdap ng P1-M sa resto

MANILA, Philippines - Natangayan ng cash, alahas at gadgets na tinatayang aabot sa P1 milyon ang apat na katao matapos na sila ay holdapin ng tatlong katao habang kumakain sa isang Chinese restaurant sa Mandaluyong City kahapon ng alas-12:06 ng tanghali.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Arnel Uy, 44; Tanya Uy, 43; kapawa ng Wilson St., San Juan City;  Nanilo Azores, 40, ng Project 3, Quezon City at Estelita Infante, 67,  ng Northern Samar.

Show comments