5 tiklo sa p9-m shabu

MANILA, Philippines - Limang kalalakihan ang dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation at nasamsam ang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon sa lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Arenal, 39; Wilbert Pacion, 34; Eugene Pasabilla, 35, mula sa Bukidnon; Junaid Mondas, 22; at Baguinda Carim, 29; pawang taga Lanao del Sur.

Batay sa ulat, bago naaresto ang mga suspek dakong alas-2:00 ng hapon sa isang buy bust operation sa Purok 2, Central Poblacion, Kalilangan, Bukidnon ay nagpanggap na poseur buyer ang isang PDEA agent na bibili ng limang gramo ng shabu.

Nang magkita ang poseur buyer na PDEA agent at mga suspek sa lugar at nagsimula nang magpalitan ng items at dito na sumulpot ang iba pang PDEA agent at inaresto ang lima at nasamsam sa kanila ang isang plastic bag ng shabu na tumitimbang ng isang kilo.

Show comments