MANILA, Philippines - Kung hindi pa bumara sa inidoro ng isang banyo ng isang gusali sa Quezon City ay hindi pa matutuklasan ang isang apat na buwang babaeng fetus na pinlas doon.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang matuklasan ang fetus sa inidoro ng isang kuwarto sa Mezza Residence Tower na matatagpuan sa Araneta Avenue, Araneta Blvd.
Bago natuklasan ang fetus ay nakatanggap ng tawag ang mga maintenance officer na sina Wilfredo Salazar at Hajilodin Estolloso mula sa security guard hingil sa reklamo ng pagbara ng inidoro sa nasabing kuwarto.
Kaya’t inalam ng dalawa ang dahilan ng pagkakabara at dito ay tumambad sa kanila ang naturang fetus.
Nabatid na dalawang araw bago ang insidente, sinasabing isang kasambahay dito ang umano’y nakaramdam ng sakit ng ulo at hindi alam na siya ay buntis kaya uminom ng gamot para sa sakit ng ulo hanggang sa nanakit ang tiyan.
Nagpasya ang kasambahay na gumamit ng inidoro at dito ay na-plush ang nasa kanyang sinapupunan.