Truck ban sa Maynila sinuspinde

Ipinakita nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang isang kautusan na nagsususpinde sa truck ban sa lungsod na nagsimula kahapon ng tanghali. Ang truck ban umano ang sinisi sa matinding trapik sa Metro Manila dahil sa port congestion. - Edd Gumban-

MANILA, Philippines - Asahan na ang pagtindi ng trapik sa Maynila.

Ito ay matapos tanggalin kahapon ng local na pamahalaan ang truck ban na umano ay solusyon sa port congestion na isinisisi ng mga truckers at ilang sector.

Batay sa Executive Order  No. 67 na pinir­mahan ni Manila Mayor Joseph Estrada  kahapon ng alas-12:00 ng tanghali ay ‘indefinite’ na ang pag-aalis ng truck ban  upang bigyan daan ang sinasabing problema sa port congestion.

Kaya’t sa nasabing pangyayari ay asahan na ng publiko ang labu-labong daloy at pagsisikip ng  mga sasakyan anumang oras.

Hindi rin umano  malayong dumoble ang bilang ng mga aksidente dahil dito.

Ayon pa kay Estrada na matagal nang may port congestion bago pa man nila ipinatupad ang  truck ban noong Pebrero.

Bagama’t hindi na manghuhuli ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau at  Manila Police District ay handa pa rin umano ang city govern­ment na tumulong sa national government kung kinakailangan.

Dagdag pa ng alkal­de, ipinauubaya na niya sa national government at Task Force Pantalan ang sitwasyon upang ma­iwasan na rin ang anumang conflict sa ipi­natutupad na sistema at hindi naman umano makatarungan na ibunton ang lahat ng  sisi sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Show comments