Chinese trader kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng hindi pa nakilalang  apat na mga armadong kalalakihan ang isang 18-anyos na negos­yanteng Chinese sa Poblacion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay  nitong Huwebes ng gabi.

Ang biktimang si Li Pei Zhei, Manager sa Kabasalan Sales Center, isang mini mall sa nasabing bayan ay dinukot dakong alas-6 ng gabi sa bisinidad ng Brgy. Poblacion ng nasabing lalawigan.

Bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga kidnappers na lulan ng isang kulay asul na multicab ( JBH 581) at armado ng matataas na kalibre ng baril kung saan agad na tinutukan ang biktima at kinaladkad pasakay sa kanilang sasakyan.

Inihayag naman ni Captain Franco Salvador Suelto, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division,  namataan ang sasakyan ng mga kidnappers na tumahak patungo sa Sitio Mangahas, Brgy.  Timuay Danda , Kabasalan saka inilipat ang negosyante sa naghihintay na pumpboat.

Sa ngayon ay naglunsad na ng malawakang paghahanap ang pulisya sa kinaroroonan ng biktima.

 

Show comments