Bus palalagyan ng GPS

MANILA, Philippines - Isa nang rekisitos ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na lagyan ng global positioning system (GPS) devices  ang lahat ng pampasaherong bus sa bansa.

Upang matiyak na tama ang  itinakdang takbo at maiwasan ang pag-uunahan at mabilis na pagharurot ng mga bus habang nasa kalsada.

 Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB bunga na rin ng pagkakahulog ng Raymond bus sa Quezon province na ikinamatay ng 3 pasahero at pagkasugat ng 40 iba pa.

Show comments