MANILA, Philippines – Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang namumuong sama ng panahon na nasa labas ng Philippine Area of Reponsibility na maaring magdudulot ng pag-ulan sa buong Mindanao.
Ayon kay Manny Mendoza, weather forecaster sa kagawaran, alas-4:00 ng madaling araw nang mamataan ang sama ng panahon sa may 1,300 kilometers sa silangang bahagi ng Mindanao.
Nasa labas pa ng PAR, subalit kung sakali na mabuo bilang bagyo sa labas ng PAR ay maaring tawagin itong “Luis.”
Inaasahan ng kagawaran na dalawa hanggang tatlong bagyo ang bumisita sa ating bansa ngayong buwan ng September.