VM Joy B pinangunahan ang Farmer to Consumer Program

MANILA, Philippines – Muling pinangunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang ikalawang pag-arangkada ng Farmer to Consumer Program sa pakikipagtulungan ng provincial government ng Nueva Vizcaya, Department of Agriculture (DA) at Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Ang naturang programa na kilala bilang QC Market Fair ay may malaking tulong sa mga local farmers ng Nueva Vizcaya para magkaroon ng direct access  sa urban markets sa pamamagitan ng paglalapit sa mga taga QC ng kanilang mga produktong agricultural.

Naisagawa ang programa makaraang magkaroon ng kasunduan ang QC government sa lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya sa tulong ng PCCI at DA  na mailapit  ang mga agri products ng naturang lalawigan sa lungsod.

Show comments