MANILA, Philippines – Isang mamamahayag ang nasugatan matapos na saksakin ng mga kabataang holdaper nang manlaban ito kahapon ng umaga sa Pasay City.
Kasalukuyang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Ferdinand “Bong” Patinio, 43-anyos, kasalukuyang reporter ng Philippine News Agency (PNA) at naninirahan sa no. 619 EDSA cor. Cabrera St., sa naturang lungsod na nagtamo ng saksak sa hita at braso.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay nakatayo sa tapat ng kanyang tinutuluyang bahay si Patinio dahil may hinihintay nang lapitan siya ng nasa anim na kabataang lalaki na nasa edad 14 hanggang 16-anyos.
Tinutukan si Patinio ng patalim ng pinakalider ngunit nagtangkang manlaban at sinaksak ito sabay hablot sa kanyang Iphone 5S bago nagsitakas.
Inaalam ng pulisya kung may nakakabit na “closed circuit television camera” sa pag-asang makikilala at maaaresto ang mga suspek.