Kelot laglag sa 2nd flr tigok

MANILA, Philippines - Patay ang isang la­laki nang aksidenteng mahulog sa ikalawang palapag ng gusali habang siya ay naglilinis sa lungsod ng Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Ysmael Colmenar, 53, dead-on-the spot sa Labor Hospital dahil sa tinamong ma­tinding injury sa kanyang ulo.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap sa bahay ng biktima sa no. 299 J. P Rizal Brgy. San Roque, Cubao, ganap na alas 9:15 ng umaga habang ito ay nagkukumpuni, ngunit bigla na lang nadulas at nahulog.

Sa pagbagsak ng biktima, nauna amano ang ulo nito na tumama sa simento sanhi upang magtamo ito ng matinding injury.

Show comments