Mister laslas ang leeg sa tatlong kainuman

MANILA, Philippines - Sinamantala ang sobrang kalasingan ng isang mister nang laslasin ang leeg nito ng kanyang tatlong kainuman kamakalawa sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Timoteo Talip, 51, residente ng Brgy.Tinaplan, Sindangan ng lalawigang ito.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang misis na si Fe Talip na nakahandusay sa kanilang sala at naliligo sa sariling dugo.

Batay sa ulat, bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-4:00 ng hapon ay kainuman ng biktima ang tatlong lalaki na kinilalang sina Dodo Lantas, Ganggang Lantas at Dodong Andang.

Pag-uwi ng misis sa bahay ay laking gulat nito nang makita ang mister na wala nang buhay na nakahandusay sa kanilang sala.

 

 

Show comments