Salon owner itinumba sa harap ng mga empleyado

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 61-anyos na may-ari ng isang salon na si Redentor Ramos Jr., binata, residente ng Blk. 14, Lot 18, Diego Silang St., Phase 3, Soldier Hills 4, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang pasukin ng dalawang lalaki ang Red Ram Beauty Salon at isa rito ang bumunot ng binaril at malapitan na pinaputukan sa ulo ang biktima sa harap ng kanyang mga empleyado.

Hindi na nakakilos ang mga empleyado sa bilis ng pangyayari na kung saan ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

 

Show comments