Riles ng MRT binaha

MANILA, Philippines - Muli na namang nagkaaberya ang Metro Rail Transit (MRT-3) nang bahain ang riles nito kahapon ng tanghali.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng MRT, dakong alas-12:00 ng tanghali ay ipinatupad nila ang ‘half operation’ ng MRT mula sa North Avenue Station sa Quezon City hanggang sa Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong City dahil sa tubig baha o pag-iipon ng tubig sa riles sa pagitan ng Ayala Avenue Station at Buendia Station.

Ipinaliwanag ni Cabrera na nasa ilalim ng lupa o under ground ang nasa pagitan ng Ayala at Buendia Station kaya binaha ang bahagi nito.

Aniya, mayroon umanong  hindi natapos na tunnel sa lugar na siyang pinanggagalingan ng tubig baha sa riles ng MRT.

Show comments