Trader hinoldap, pinatay

MANILA, Philippines - Muli na namang kumana ang riding-in-tandem criminals nang holdapin at barilin ang isang 52- anyos na negosyante habang lulan ng kanyang sasakyan  kamakalawa sa Talomo District, Davao City.

Nasawi noon din ang biktimang si Arsenio Balderas, may-asawa at residente ng Purok 2, Bago Gallera, Talomo District.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon habang  minamaneho ng biktima ang kaniyang kulay asul na MIT Canter (GJV-611) nang dikitan ng isang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek.

Hinarang ang sasakyan ng biktima at nagdeklara ng holdap at nang hindi makuntento ay pinagbabaril pa ito.

Tumakas ang mga suspek tangay ang clutch bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa natukoy na halaga bahagi ng koleksyon nito sa pagbebenta ng kaniyang mga produkto.

Nabigo namang ma­tangay ang P18,000 cash na nakalagay sa sapatos ng biktima, bulsa ng cargo pants nito at compartment ng kaniyang behikulo.

 

Show comments