Bangkay ng lalaki isinilid sa drum

MANILA, Philippines - Natagpuang palutang-lutang sa isang estero ang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa isang drum kahapon ng alas-7:00 ng umaga sa San Miguel, Maynila.

Inilarawan ang bangkay ng lalaki na nasa pagitan ng edad 40 hanggang 45 anyos, 5’3”, hanggang 5’4” ang taas, payat, nakasuot ng itim na t-shirt , itim na shortpants at  tadtad ng tattoo ang katawan.

Nakagapos ang buong katawan ng electrical wire, nasasakluban ng plastic bag ang mukha at sako at napalibutan o selyado ang kabuuan nito ng packaging tape at may malaking hiwa ang bibig nito. Hinihinalang walapang isang araw na pinatay ang biktima bago isinilid sa plastic drum.

Show comments