Electrician tinodas habang naglalakad

MANILA, Philippines - Isang electrician na kinilalang si Marlon Bundac, 37, ng BF Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay papunta si Bundac sa kanyang kumare na  si Julie Cabriega para maningil sa kuryente nang ito ay tambangan ng hindi pa kilalang salarin.

Ayon kay Cabriega nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig ng putok ng baril.

Kaya’t sinilip niya ito at nagulat nang makita ang kumpare na naliligo sa sariling dugo. 

Show comments