Bala ibinaon sa pagitan ng 2 mata

Iniimbestigahan ng pulis ang bangkay ng biktimang si Christopher Barro, alyas “Dugo” matapos na ito ay malapitang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Vitas, Tondo, Maynila. - Bening Batuigas-

MANILA, Philippines - Malapitan na binaril ng isang lalaki sa pagitan ng dalawang mata ang isang 29-anyos na estibador habang naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Vitas, Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Christopher Barro, alyas “Dugo”, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) at residente ng Maynilad Compound, Tondo.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw ay lumabas ng bahay ang biktima para bumili ng softdrinks sa isang tindahan tapat ng Young Focus Day Care Center sa Building 1, Katuparan, Vitas, Tondo.

Dito ay lumapit ang suspek sa biktima at ma­lapitan na binaril sa noo sa pagitan ng dalawang mata nito.

Ayon sa pulisya na ang biktima ay suspek din sa mga holdapan at malaki ang hinala nila na kasama nito sa grupo ang pumatay sa kanya. -Dagdag na ulat ni Patrick Andal (trainee)-

Show comments