Obrero nakuryente, dedo

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang patay nang makuryente sa kawad ng ginagamit nitong jack hammer habang nagbubungkal ng lupa sa isang gusali sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktimang si Ro­well Aquino, 38, binata, resi­dente ng Santo Cristo, Balintawak ay idineklarang dead-on-arrival sa St. Lukes Medical Center bunsod ng matinding boltahe ng kuryente na pumasok sa kanyang katawan.

Sa report ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-11 ng umaga sa No.25 Denver St., panulukan ng New York, Brgy. Immaculate Concepcion kung saan ang biktima ay nagbubungkal ng lupa upang gumawa ng septic tank gamit ang isang mini jack hammer.

Sabi ng otoridad, posibleng may nabalatan na linya ng kuryente mula sa jack hammer na siyang nagdulot para ito makur­yente lalo’t basa ang lupa dahil sa pag-ulan.

Show comments