Sen. Revilla, sinuspinde ng 90 araw

MANILA, Philippines - Ibinababa na ng Sandiganbayan 1st Division ang 90 araw na suspensiyon kay Senador Bong Revilla kaugnay sa kasong plunder at graft  na may kinalaman sa pork barrel scam gayundin ang kanyang legislative officer  na si  Atty. Richard Cambe na kapwa nito akusado.

Ang pagsuspinde kina Revilla at Cambe ay sagot ng Sandiganbayan sa hiling ng prosekusyon na suspendihin muna ito sa tungkulin habang dinidinig ang kanilang kaso upang  hindi magamit ang posisyon para makaimpluwensiya ng mga saksi sa naturang mga kaso. Una nang nasuspinde sina Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce-Enrile kaugnay ng nasabi ring kaso.

Show comments