Pumatay kay Enzo Pastor kilala na

MANILA, Philippines - Inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima na kilala na ng National Bureau of Investigations (NBI) ang mga suspek na  bumaril at pumatay sa  international racing champion na si  Ferdinand “Enzo” Pastor.

Ayon kay De Lima hinihintay na lamang niya na ibigay sa kanya  ng NBI Death Investigation Unit ang resulta  bago niya ihayag sa publiko at tumanggi ito na  ibunyag ang  pa­ngalan ng mga suspek upang maiwasan  na ma-jeopardize ang  police operations.

Matatandaang binaril si Pastor  ng riding-in- tandem sa panulukan ng  Visayas at Congressional Ave. sa Quezon  City noong Hunyo 12 kung saan patungo sana ito  sa  Pampanga para sumali sa car racing sa Clark.

Si Pastor ay nagtamo ng  tatlong tama ng  bala ng baril sa  ulo, batok at kamay.

Si Pastor ang kauna-unahang Filipino na sumali sa NASCAR Whelen Euroseries Open Championship race circuit at nanalo kamakailan sa  Asian V8 Racing Championship.

Show comments