MANILA, Philippines - Labinsiyam (19) na katao ang nagpositibo na gumagamit ng illegal na droga sa isinagawang mandatory drug test sa mga barangay sa Quezon City.
Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, chairman ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), na siyam na barangay pa lamang sa 142 kabuuang barangay sila nagsagawa ng drug test ay nagpostibo na ang 19 katao.
Sa 19 na nagpositibo sa droga ay mula sa 584 staff at opisyal ng 9 barangay na kanilang napuntahan.
Ang 19 na nagpositibo sa droga ay isasailalim sa counseling sa anti-drug treatment and rehabilitation center ng QC para maturuan kung paano maiiwasan ang paggamit ng droga at yung mga adik na sa droga ay isasailalim sa anim na buwang rehabilitasyon sa QC Drug Treatment and Rehab Center-Tahanan.