NPA landmine attack: 2 sundalo utas

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang sundalo habang anim pa ang nasugatan nang sumabog ang landmine na itinanim  ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa highway ng Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Pfc. Fernando Mendoza Jr. at Pfc. Elvero Batacandolo Jr.

Ang mga nasugatan ay sina Pfc. Genesis Celestial, Pfc. Alfon Rocaberte Jr., Pfc. Ronnel Merisco, Pfc. Orlan Parac, Pfc. Dennis  Travinio at Pfc. Mateo Dizon.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga habang nagsasagawa ng assessment survey ang tropa ng Charlie Company ng Army’s 60th Infantry Battalion (IB) sa nasabing lugar nang sumabog ang landmine na itinanim ng mga rebeldeng NPA na ikinasawi ng dalawa at pagkasugat ng anim na iba pa.

Sa kabila naman ng sorpresang pag-atake ay gumanti ng putok ang mga sundalo na nauwi sa ilang minutong putukan.

 

Show comments