2 katao nakuryente

MANILA, Philippines - Kapwa idineklarang dead on arrival ang da­lawa katao matapos na sila ay makuryente sa magkahiwalay na pangyayari sa lalawigan ng Batangas.

Sa ulat ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Jireh Omega Fidel, dakong alas-5:40 ng hapon nang makur­yente ang unang biktima na si Joseph Latorre, waiter sa Baseri Resort sa Brgy. Sto Niño, Lipa City.

Nabatid na kasalukuyang abala si Latorre sa pag-aasikaso ng mga turista at kustomer nang aksidente nitong matapakan ang isang nakalaylay na live wire.

Bandang alas-7:00 naman ng gabi nang makuryente ang isa pang biktima na si Victoriano Vivas sa Brgy. Tanagan, Calatagan. 

Inaayos ng biktima ang electrical wiring sa kanilang kusina nang aksidente nitong mahawakan ang live wire  na nabasa ng ulan.

Show comments