Anak ng Kapitana, pinatay sa lamay

MANILA, Philippines - Isang anak ng Kapitana ang pinagbabaril habang nasa lamay ng kanyang yumaong  tiyuhin kahapon ng madaling-araw sa Brgy.San Gabriel 2 Gen. Mariano Alvarez, Cavite.

Namatay noon din ang biktima na si Regalado Asilo, nasa hustong gulang may-asawa residente ng nasabing lugar.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Nonie Aledia na asawa naman ng isang barangay kagawad.

Sa ulat, nasa lamayan ng kanyang namatay na tiyuhin ang biktima nang dumating ang suspek at walang kaabog-abog na pagbabarilin ang biktima.

Kahit na nakahandusay ang biktima ay pinagbabaril pa rin umano ito ng suspek upang matiyak na mabubuhay pa ang una.

Bago ang krimen ay may nakaaway ang biktima na isang lalaki na sinabihan nitong suplado.Hindi pa batid kung ang nakaaway ng biktima ay ang suspek.

 

Show comments